COVID-19 UPDATE as of August 2, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa ulat ng PHO ngayong ikalawang araw ng Agosto, umabot na po sa 420 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, sampu (10) naman ang bagong nakarecover na at 77 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact-tracing na lima (5) sa mga confirmed positive ay close contact ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 22 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 58 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 40 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 59 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 35 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 56 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 37 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles

Sa kabuuan, umabot na po sa 261 ang bilang ng mga nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 51 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 32 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 39 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 19 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 19 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 75 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 32 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 33 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
– Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Morong

Ang bilang ng active cases ay 147 at labing dalawa (12) ang pumanaw na. Nasa 215 ang naghihintay ng resulta ng test; 7,508 ang nagnegatibo na at 118 ang mga bagong natest.

Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 8,143 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito: https://datastudio.google.com/u/0/reporting/daa2c0d5-00e0-4a1c-909a-1ad595e3b056/page/90hMB?s=qSqwBj-u5J4

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

–via @1Bataan