Bilang suporta ng lokal na pamahalaan ng Limay, Bataan sa Learning Continuity Program (LCP) ng Department of Education (DepEd), nagkaloob ito ng 650 units ng laptops para sa mga guro noong July 13 sa pangunguna niNa Limay Mayor Nelson David at Schools District Supervisor Elma Dizon.
Para sa internet connectivity, kasalukuyang pinaaayos ng lokal na pamahalaan ang wireless local area network connections sa lahat ng mga barangay at mga paaralan sa nasabing bayan. Ito ay magbibigay ng libre at walang limitasyong paggamit ng internet ng mga mag-aaral at mga guro.
Ang inisyatibo ay bahagi ng pagsuporta at pagtustos ng lokal na pamahalaan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga paaralan bilang paghahanda para sa darating na pagbubukas ng School Year 2020-2021.
Sa pagkakaroon ng laptops, makapaghahanda na ang mga guro sa panibagong pamamaraan ng pagtuturo sa panahon ng pandemya. Magagamit nila ang laptop sa paglikha ng mga modyul, pagdalo sa webinars, at marami pang ibang gawain habang nasa kani-kanilang mga tahanan.
Bukod sa pagbibigay ng laptops at internet connectivity. pinaghahandaan na rin ang modular instruction bilang bahagi ng new normal. Ang Local School Board ng Limay ay naglaan pa ng pondo para sa paglimbag ng mga modyul. Ito ay tugon sa panawagan ng Schools Division ng Bataan at ang Provincial School Board na unahin ang paglilimbag ng learning materials.
“Aside from the laptops and internet connection, the construction, renovation and repainting of school buildings in various schools of Limay were given priority as well. This is also a part of a long-term plan to minimize the number of pupils inside each classroom,” pahayag ni Mayor Nelson David.
–via @DepEd Philippines