Sa ulat ng PHO ngayong ika-4 ng Agosto, umabot na po sa 443 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, anim (6) ang mga nakarecover na at 181 ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Kahapon, ika-3 ng Agosto, ang bagong kumpirmadong kaso ay isang 36 na taong gulang na lalaking OFW-Seafarer mula sa Orion habang ang bagong nakarecover ay isang 28 taong gulang na babae mula sa Mariveles.
Dalawampu’t dalawa (22) naman ang naitalang bagong kumpirmadong kaso at lima (5) ang nakarecover ngayong araw, ika-4 ng Agosto. Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 60 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 36 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 45 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Dalawang (2) 44 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 49 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 38 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 34 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
Pawang mga in-patient naman sa ospital sa ating lalawigan ang mga sumusunod:
– Isang 48 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 77 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 58 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
Kabilang rin sa mga kumpirmadong kaso ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 32 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 24 na taong gulang na babae mula sa Samal
– Isang 46 na taong gulang na babae mula sa Samal
– Isang 30 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 84 na taong gulang na babae mula sa Orani
Ang iba pa sa mga nagpositibo ay mayroong travel history mula sa Amerika. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 8 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 16 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 22 taong gulang na lalaki mula sa Limay
Sa kabuuan, umabot na po sa 267 ang bilang ng nakarecover na. Kabilang sa mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 61 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 33 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 20 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 51 taong gulang na babae mula sa Orani
– Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Limay
Ang bilang ng active cases ay 163 at umabot na sa labing tatlo (13) ang pumanaw na; ang bagong kaso ng pumanaw ay isang 77 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan na mayroong iba pang karamdaman bukod sa nagpositibo sa COVID-19.
Samantala, nasa 342 ang bilang ng naghihintay ng resulta ng test; 7,689 ang nagnegatibo na at 331 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 8,474 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.