Sa pinakahuling ulat ng Municipal Health Office (MHO), kahapon, ika-11 ng Oktubre. Umabot na sa dalawang daan at walumpu’t anim (286) ang bilang ng TOTAL CONFIRMED CASES sa ating bayan matapos makapagtala ng isang (1) bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19.
-lalaki, edad 64 taong gulang mula sa Barangay SF – 2
Lima (5) naman ang nadagdag sa bilang ng RECOVERIES. Dahil dito, nasa dalawang daan at limampu’t isa (251) na ang bilang ng mga kababayan nating gumaling mula sa COVID-19.
-lalaki, edad 69 taong gulang mula sa Barangay SF – 1
-lalaki, edad 30 taong gulang mula sa Barangay Lamao
-lalaki, edad 31 taong gulang mula sa Barangay Lamao
-babae, edad 75 taong gulang mula sa Barangay Lamao
-lalaki, edad 20 taong gulang mula sa Barangay Lamao
Sa kabuuan, umabot na sa dalawang daan at walumpu’t anim (286) ang bilang ng TOTAL CONFIRMED CASES sa ating bayan. Bumaba sa tatlumpu’t dalawa (32) ang ACTIVE CASES, nasa dalawang daan at limampu’t isa (251) na ang RECOVERED, at nananatili sa tatlo (3) ang pumanaw na.
Paalala po muli ng Pamahalaang Bayan na patuloy mag-ingat at iwasan ang pag labas sa mga tahanan kung hindi naman importante at kinakailangan, ugaliin ang paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng kalinisan upang maiwasan ang paglaganap ng virus sa ating tahanan at bayan.
via–@1Limay1Bataan