FREE WIFI SA BAWAT BRGY. PARA SA MGA ESTUDYANTE

Inihahandog po ng ating Limay LGU sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Nelson C. David, Pangalawang Punong Bayan Richie Jason D. David at ng Sangguniang Bayan ang ” LIMAY FREE WIFI”.

Ito po ay tugon ng ating pamahalaang bayan sa mga nag-oonline class ngunit walang kakayahan na magpakabit ng wifi at kulang ang budget para sa araw araw na data service. Sa ngayon lilikumin namin ang inyong suhestiyon kung saan mahina ang signal upang sa bawat araw na dadaan at makapag dagdag tayo ng WiFi hotspot. Nakapag kabit na po sa buong Limay maliban sa Lamao area na bukas naman ay sisimulan nang gawin.

Hanggat maaari ay ilagay sa comment box ang area na mahihina ang sagap ng WiFi upang maisaayos po ng ating magagaling na technicians.

Magandang araw po.