COVID-19 UPDATE as of Oct. 13, 2020

Sa pinaka huling ulat ng Municipal Health Office (MHO) kahapon, ika-12 ng Oktubre. Bumaba na sa dalawampu’t siyam (29) ang bilang ng ACTIVE CASES sa ating bayan matapos makapag tala ng dalawang (2) bagong RECOVERIES. Dahil dito umabot na sa dalawang daan at limampu’tapat (254) ang bilang ng mga kababayang nating gumaling mula sa COVID-19.

-lalaki, edad 23 taong gulang mula sa Barangay Reformista
-lalaki, edad 51 taong gulang mula sa Bo. Luz

Sa kabuuan, nananatili sa dalawang daan at walumpu’t anim (286) ang bilang ng TOTAL CONFIRMED CASES sa ating bayan. Bumaba sa dalawampu’t siyam (29) ang ACTIVE CASES, nasa dalawang daan at limampu’t apat (254) na ang RECOVERED, at nananatili sa tatlo (3) ang pumanaw na.

Paalala po muli ng Pamahalaang Bayan na patuloy mag-ingat at iwasan ang pag labas sa mga tahanan kung hindi naman importante at kinakailangan, ugaliin ang paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng kalinisan upang maiwasan ang paglaganap ng virus sa ating tahanan at bayan.

via–@1Limay1Bataan