Sa huling ulat ng PHO ngayong ika-29 ng Hulyo, umabot na po sa 373 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, dalawa (2) ang bagong nakarecover at 215 naman ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Lumabas sa contact-tracing na labing anim (16) sa mga confirmed positive ngayon ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19 matapos dumalo sa worship gathering na naganap noong ika-19 ng Hulyo sa Balanga City. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 67 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 17 na taong gulang na babae mula sa Samal
– Isang 52 taong gulang na lalaki mula sa Samal
– Isang 51 taong gulang na babae mula sa Samal
– Isang 40 taong gulang na babae mula sa Abucay
– Dalawang (2) 60 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 11 taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 14 na taong gulang na babae mula sa Abucay
– Dalawang (2) 29 na taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 31 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 18 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 49 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
Ang iba pa sa mga bagong kumpirmadong kaso nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19 ay ang mga sumusunod:
– Isang 67 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 23 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 51 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 25 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 49 na taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 45 taong gulang na babaeng healthworker mula sa Abucay
– Isang 4 na taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 48 taong gulang na babaeng healthworker mula sa Abucay
– Isang 20 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
Tatlong (3) bagong kaso mula sa mga umuwing OFW sa ating Lalawigan:
– Isang 48 taong gulang na lalaking OFW mula sa Abucay
– Isang 40 taong gulang na lalaking OFW mula sa Orion
– Isang 40 taong gulang na lalaking OFW mula sa Mariveles
Sa kabuuan, umabot na po sa 240 ang bilang ng mga nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 34 na taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 60 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
Ang bilang ng active cases ay 121 at umabot na sa labing dalawa (12) ang pumanaw na; ang bagong kaso ng pumanaw ay isang 67 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles.
Nasa 235 ang naghihintay ng resulta ng test; 7,102 ang nagnegatibo na at 118 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 7,710 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
via @1Bataan