Halina! Tayo ng mamasyal sa Limay Park kasama ang buong barkada at pamilya at subukan ang FREE WIFI na handog sa atin ng buong pamunuan ng Limay.
Layunin nito na mapanatili ang connectivity sa mga pampublikong lugar upang magbigay ng maaasahang internet services para sa edukasyon, trabaho at pang-araw-araw na mga aktibidad sa buhay.
Tunay naman na patuloy ang modernisasyon sa ating komunidad at ang ating pamahalaan ay nakahandang sumabay sa pag-papaunlad nito sa pakikipag tulungan ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, SB Members at Tourism Chairperson Grace David kasama ang DICT na naging katuwang upang ito ay maisakatuparan.





