๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข: ๐—จ๐—ž๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—”๐—š๐—˜ ๐— ๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—”๐—ฌ

Nauunawaan ng Pamahalaang Bayan ng Limay ang hinaing ng ating mga kababayan tungkol sa dagdag na bayarin kaugnay ng Septage Management Program. Sa pagtugon dito, nais naming ipabatid sa lahat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kasunduang pinasok ng pamahalaan para sa kapakanan ng bayan:

1. ANO ANG SEPTAGE MANAGEMENT PROGRAM?

Ito ay isang programang tumutugon sa batas na Clean Water Act of 2004 (RA 9275) at ordinansang probinsyal ng Bataan. Layunin nito ang regular na paglilinis ng septic tank upang maiwasan ang kontaminasyon ng tubig at ang pagkalat ng sakit sa komunidad.

2. ANO ANG NILALAMAN NG KASUNDUAN?

Isang kasunduan ang nilagdaan noong Disyembre 9, 2021 ng tatlong panig:

Unang Panig: Pamahalaang Bayan ng Limay

Ikalawang Panig: Soliman E.C. Septic Tank Disposal (pribadong kumpanya)

Ikatlong Panig: Limay Water District

Ang kasunduang ito ay may bisa ng limang (5) taon at nakatakdang magtapos sa Disyembre 9, 2026.

3. MAGKANO ANG BAYAD AT SINO ANG SAKLAW?

โœ…Lahat ng aktibong subscribers ng Limay Water District (residential at small enterprises) ay saklaw ng programa.

โœ…Sisingilin ng Php 70 kada buwan, na isinasama sa water bill.

โœ…Sa loob ng 5 taon, ito ay magiging kabuuang Php 4,200โ€”katumbas ng isang regular desludging cycle.

โœ…Ang hindi saklaw (non-subscribers) ay maaaring mag-avail sa serbisyong ito sa halagang Php 4,200 kada truckload, bayad direkta sa service provider.

4. ANO ANG BENEPISYO SA PUBLIKO?

โœ…Kaligtasan ng inuming tubig at kalusugan ng bawat pamilya

โœ…Maayos na pamamahala ng dumi mula sa septic tank

โœ…Serbisyong ligtas, malinis, at alinsunod sa pamantayan ng DENR at DOH

โœ…Hindi biglaang malaking bayad, kundi buwanang hulugan

Ang DILG ay naatasang tumulong sa pagpapalaganap ng impormasyon at pagpapalakas ng kakayahan ng mga LGU sa bansa kaugnay ng NSSMP (National Sewerage and Septage Management Program) gayundin sa pagpapadali ng pagsunod ng mga LGU rito.

Ang papel ng mga LGU sa paghahatid ng mga batayang serbisyo kaugnay ng pagpapatupad ng sistema ng paggamot ng daluyan ng mga dumi at pamamahala ng poso negro sa loob ng kanilang nasasakupan.

Ang mga lokal na pamahalaan ay kailangang tiyakin na ang lahat ng mga residensyal (kabilang ang mga pribadong subdibisyon), komersyal, industriyal, institusyonal, at mga establisyimentong pampamahalaan sa loob ng kanilang nasasakupan ay may maayos na sistema ng paggamot ng daluyan ng dumi at pamamahala ng poso negro.

Ang inyong lokal na pamahalaan ay bukas sa mga hinaing ng mamamayan. Kami po ay muling magsasagawa ng pag-aaral sa kasunduang ito upang matiyak na ito ay tunay na makabubuti sa bayan at sa bawat Limayan.

Layunin namin ang serbisyo na makatao, makakalikasan, at makatarungan.

Para sa karagdagang katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong barangay o sa Limay Municipal Hall.

Leave your message