𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁𝗶𝗻𝗲'𝘀 𝗗𝗮𝘆 𝗦𝗵𝗼𝘄 𝘀𝗮 𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆 𝗣𝗮𝗿𝗸 𝗼𝗻 𝗙𝗲𝗯𝗿𝘂𝗮𝗿𝘆 𝟭𝟰, 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝟰:𝟬𝟬𝗽𝗺

Tara na at damahin ang romantic feels sa Limay Park ngayong Biyernes, simula 4pm! Sa malamig na hangin at agos ng alon sa tabi ng dagat, tamang-tama ang vibe habang nakikinig sa mga tugtugan, kantahan at sayawan mula sa mga Bandang Limayans na Zingy Band, Science Project, Sound Group Band at mga pagtatanghal ng Limay High School. 🎶

Maki-jamming, mag-enjoy, at magsaya kasama ang inyong mga mahal sa buhay habang mag-eenjoy sa mga kainan sa mga local establishments ng Limay. Isang gabi ng pagmamahal at kasiyahan, puno ng tamis at romantikong alaala! 💕

Huwag palampasin ang pagpaparamdam ng pagmamahal mula sa Limay Tourism Council sa pangunguna ni Tourism Chairperson Grace David at ng Pamahalaang Bayan ng Limay sa pangunguna ni Mayor Richie David, Vice Mayor Sarah David at SB Members 🫶

Leave your message