Ngayong araw ay pormal na tinanggap ng ating Mayor Richie Jason D. David ang isang (1) Patient Transport Vehicle o PTV mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ito ay ginanap sa Quirino Grandstand sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang iba pang opisyales ng gobyerno at opisyales ng iba’t ibang bayan na makatatangap ng donasyon. Bawat PTV ay may stretcher, oxygen tank, at blood pressure monitor upang makasiguro sa maayos, ligtas at maagap na pagdadala ng pasyente patungo sa pasilidad medikal.
Ang Pamahalaang Bayan ng Limay ay lubos ang pasasalamat sa PCSO sa pagsuporta sa mga proyektong pangkalusugan ng mga lokal na pamahalaan.
Isang hakbang tungo sa mas maayos at episyenteng serbisyong pangkalusugan para sa bawat Limayans!


















