Nag-courtesy visit noong Biyernes, ika-4 ng Hulyo 2025 ang ANGATLETA SPORTS BATAAN kay Mayor Richie Jason D. David bilang pasasalamat sa walang-sawang suporta ng pamahalaang bayan para sa mga kabataang atleta.
Matapos mag-uwi ng bronze medal sa katatapos na Smart Spike Invitational sila ay muling maghahanda para sa isang mas malaking laban, ang Gameville Fil-Nation International Volleyball League Season 2.
Ang Pamunuan ng Limay ay patuloy ang pagbibigay ng oportunidad at inspirasyon sa mga programang pangkabataan at pampalakasan upang maipamalas ang kanilang galing — hindi lang sa akademya, kundi maging sa larangan ng isports.





