Isang makulay, masigla, at matagumpay na Hataw Takbo Bataan ang muling isinagawa sa bayan ng Limay bilang bahagi ng programang itinataguyod ni Gov. Joet Garcia para sa isang healthy lifestyle at tobacco-free generation!
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng runners na lumahok at sumuporta. Salamat din po sa mga sponsors- Pocari Sweat, Fit Bar, at Mogu Mogu. Congratulations po sa mga nagwagi at nakatanggap ng premyo.
Pinangunahan ang aktibidad ng Pamunuan ng Bayan ng Limay sa pangunguna nina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David, at mga Sangguniang Bayan Members na sina Konsehala Sarah David, Konsehal Dennis Gochuico, Konsehal Manny Ambrocio at Konsehal Cesar Dela Rea. Kasama ring nakisaya sa aktibidad at nagbigay suporta si Ma’am Michelle S. Gochuico na Chief ng LTO Vistamall Licensing Office.
Kasama rin natin sina Vice Gov. Cris Garcia, Bokal Popoy Del Rosario, Bokal Noel Valdecañas, Bokal Vic Baluyot, at Bokal Iya Roque, na nagbigay suporta sa makabuluhang programa.
Maraming salamat sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Limay, sa General Services Office (GSO), sa ating PNP Limay, at sa lahat ng kawani at volunteers mula sa iba’t ibang tanggapan at barangay na nagbigay ng kanilang panahon at serbisyo.
Maraming salamat din sa ating katuwang na MBDA at Bataan Running Club (BRC) na patuloy na kasama sa bawat leg ng Hataw Takbo Bataan.
Isang Limay na malusog, aktibo, at masaya na kaagapay ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mas magandang kinabukasan.



























