𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑-𝐂𝐎𝐌𝐏𝐀𝐍𝐘 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑’𝐒 𝐂𝐔𝐏 𝟐𝟎𝟐𝟓–𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟏)

Opisyal nang nagsimula kahapon, Enero 18, 2026 sa Limay Sports Complex,ang kauna-unahang Inter-Company Mayor’s Cup! Isang makulay at makasaysayang pagbubukas na nagpapakita ng pagkakaisa, husay, at malasakit sa sports ng iba’t ibang kumpanya at sektor sa ating bayan.

Mga Grupong Kalahok:

• Yuhantech

• Mega Force

• LPDSI II

• Batang Pier

• Limay Maintenance

• Aboitiz Power

• LPDSI I

• DPWH

• SLP Blazers

• SMGP L2

• LGU Limay

• Fisherman Mamot

• Petron

• LIWAD

• Arsenal

• Assistco

Ito ay naging posible dahil sa Amateur Hardcourt Referees Association (AHRA) at sa buong suporta ng ating mga pinunong may malasakit sa sports at kabataan, sa pangunguna ni Cong. Jett Nisay, Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David, at mga Konsehal ng Bayan. Ipinapahayag din ang buong suporta ng ating Municipal Administrator na si Melchor Fernando, na nagsisilbing coach ng LGU Limay.

Hindi lamang ito paligsahan sa basketball, isa itong pagdiriwang ng pagkakabuklod, disiplina, at tunay na diwa ng sportsmanship tungo sa mas matibay na komunidad ng Limay.

Leave your message