Ipinagdiwang sa bayan ng Limay ang makabuluhan at masayang Teachers’ Day Celebration, bilang pagkilala sa dedikasyon at walang sawang paglilingkod ng ating mga guro, ang tunay na haligi ng edukasyon at inspirasyon ng kabataan.
Dinaluhan rin nina Mayor Richie Jason David at Vice Mayor Grace David, kasama ang mga natatanging guro mula sa ating bayan, ang programa bilang simbolo ng pasasalamat at pagpapahalaga sa kanilang malaking ambag sa komunidad.
Maraming salamat, mga guro, sa inyong pusong naglilingkod at sa patuloy na paggabay sa mga kabataan tungo sa magandang kinabukasan!













