Malugod na bumabati ang Pamahalaang Bayan ng Limay, sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, kasama si Vice Mayor Grace David at ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, ng isang masagana, ligtas, at mapagpalang Bagong Taon para sa bawat mamamayan ng Limay.
Nawa’y magsilbing panibagong simula ang taong ito upang higit nating mapagtibay ang pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan tungo sa mas maunlad at mas progresibong bayan. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbibigay ng tapat at mahusay na serbisyo para sa kapakanan ng bawat Limayeño.
Maligayang Bagong Taon!
Mabuhay ang Bayan ng Limay!




