𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐑𝐉𝐃 𝐢𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧: 𝐓𝐮𝐥𝐨𝐲-𝐓𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧

Kahapon, Agosto 12, 2025, ang ating mga lingkod bayan ay patuloy na ginagampaman ang kanilang mga tungkulin na magsilbi nang tapat at buong puso para sa ikauunlad ng ating bayan. Personal na siniyasat ni Mayor Richie Jason David, kasama ang mga opisyal ng bayan, ang E-Trike bilang makabagong, episyente, at makakalikasang alternatibo sa pampublikong transportasyon.

Layunin nitong bawasan ang paggamit ng fossil fuel, pangalagaan ang kalikasan, at magbukas ng bagong oportunidad sa kabuhayan.

Sa parehong araw, idinaos naman ang Regular Session ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Grace David at mga SB Members kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin tulad ng supplemental budgets, bagong curfew para sa kabataan, at dagdag na police personnel para sa mas maayos na kaayusan at seguridad sa Limay.

Nakipagpulong din ang US Peace Corps Philippines Program Manager for Children, Youth, and Family Sector, Ambet Yangco at Peace Corps Volunteer Leader Josh Brown kasama ang LGU Limay upang tapusin ang proseso para sa pagtalaga ng bagong US Peace Corps Volunteer. Ang Amerikanong boluntaryo ay nakatakdang dumating sa Limay sa Setyembre 25, 2025 at maglilingkod ng hanggang 2 taon, na nakatuon sa youth organizing at youth development programs, katuwang ang DSWD 4Ps, MSWD Section Head Faye Fernando, Social Welfare Officer Alecsandra Lima, at Designated Local Youth Development Officer Jhaira Ocampo.

Nagkaroon din ng Courtesy Visit mula sa Samahang Basketball sa Pilipinas para humiling ng suporta sa kanilang nalalapit na seminar sa Mariveles, at mula sa Computer Assisted Learning (CAL) Philippines Inc. bilang pakikiisa sa mga programang pang-edukasyon sa ating bayan. Ito ay isang paraan ng pagkatuto kung saan ginagamit ang computer, software, at digital resources para tulungan o dagdagan ang mga tradisyonal pag-dating sa pagtuturo.

Lahat ng ito ay kanilang ginagawa hindi para sa pansariling kapakinabangan, kundi para sa kapakanan ng bawat Limayeño. Sa patuloy na pagtutulungan ng pamahalaang bayan at ng mamamayan, tayo ay naniniwala na lalo pa nating maitatatag ang ating bayan na mas maunlad, mas ligtas, at mas masiglang Limay. Dahil dito, tuloy-tuloy ang serbisyo para sa ating bayan.

#1Limay

Leave your message