Upang mapanatili ang kaayusan, disiplina, at respeto sa loob ng mga tanggapan ng Munisipyo ng Limay, hinihiling po namin sa lahat ng bisita ang pagsusuot ng maayos at angkop na kasuotan sa pagpasok at pakikipag-ugnayan sa loob ng munisipyo.
Ang mga bisitang hindi nakasuot ng nararapat na kasuotan ay maaaring hindi pahintulutang makapasok sa loob ng gusali.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa. Sama-sama nating panatilihin ang kaayusan at disiplina sa ating munisipyo.



