𝐏𝐑𝐄-𝐕𝐀𝐋𝐄𝐍𝐓𝐈𝐍𝐄’𝐒 𝐃𝐀𝐘 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘!

Handa na ba kayong kiligin, magsaya, at magmahal?

Bilang pakikiisa sa Araw ng mga Puso, inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Limay ang lahat sa isang gabi ng kantahan, tawanan, at kilig overload sa Limay Park sa darating na ika-13 ng Pebrero, 6:00 ng gabi.

🎤✨ LIVE PERFORMANCE ng ZINGY BAND ang magpapainit ng gabi, na susundan ng mga masasayang palaro para sa:

💑 mga magkasintahan

💍 mga mag-asawa

🧑‍🧑‍🧒‍🧒 ka-pamilya

💖 at kahit sa mga single na may pusong handang makisaya ano man ang edad at kasarian.

Tara na at sama-sama nating ipagdiwang ang diwa ng pag-ibig, kasiyahan, at pagkakaisa. Magdala ng ka-date, barkada, pamilya o kahit sarili—dahil lahat ay welcome sa gabi ng pagmamahalan sa Limay! 🌹✨

Leave your message