𝐏𝐞𝐧𝐞𝐥𝐜𝐨 𝐓𝐮𝐫𝐧𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐨𝐟 𝐒𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐋𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬

Isinagawa ngayong Enero 26, 2026 sa Municipal Hall, Limay, Bataan ang turnover at pamamahagi ng Solar Street Lights (Batch 1) sa ilalim ng programang “TUGON” – Solar Spark, bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng Peninsula Electric Cooperative, Inc. (PENELCO) katuwang ang GN Power at GMEC.

Ang nasabing proyekto ay opisyal na tinanggap ni Municipal Mayor Richie Jason D. David, na layong magbigay ng mas maayos na ilaw sa mga pampublikong lugar upang maisulong ang kaligtasan, kaayusan, at paggamit ng malinis at renewable energy sa bayan ng Limay.

Pinangunahan ang aktibidad ni Mr. Jaime Munar, kinatawan ng PENELCO, kasama si Dir. Cecilia Bacsa, at dinaluhan din ni Konsehal Cesar “Ama” Dela Rea bilang pagpapakita ng suporta sa programang naglalayong maghatid ng konkretong tulong sa komunidad. Katuwang din sa mas maayos na pamamahagi ng mga solar lights ang Institutional Services and Development Department (ISDD).

Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Limay, sa pangunguna ni Mayor Richie Jason D. David, Vice Mayor Grace David, at ng mga Konsehal ng Bayan, sa buong pamunuan ng PENELCO, gayundin sa GN Power at GMEC, sa kanilang mahalagang ambag at patuloy na suporta sa mga programang nagtataguyod ng kaunlaran at kapakanan ng mamamayan ng Limay.

Leave your message