𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐎 𝐍𝐈 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐑𝐈𝐂𝐇𝐈𝐄 𝐃𝐀𝐕𝐈𝐃 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍

Nitong ika-18 ng Agosto 2025 ay nagcourtesy visit ang bagong Bataan TESDA Director Juliette Feliciano at buong team nito. Pinag-usapan ang mga proyekto at programa ng TESDA sa mga community-based at skills trainings gayundin ang assessment para sa pagkakaroon ng NC-2 testing facility na malaking tulong para sa pag-apply ng trabaho ng bawat Limayan.

Nagbigay ng update report si PESO Limay Evangeline Mariano sa mga achievements ng PESO at mga proyektong nais na mangyari ni Mayor Richie Jason David para sa kapakanan ng mga Limayan.

Nagbigay din ng buong suporta ang TESDA sa pamamahala ng PESO sa ating Training Center na kapareho sa setup sa Tarlac.

Asahan po natin na tuloy-tuloy ang mga programa at benepisyo para sa ating mga kababayan.

Leave your message