𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Isang makabuluhan at produktibong araw ang inilaan nina Mayor Richie Jason David at Vice Mayor Grace David sa pagtanggap at pakikipagpulong sa iba’t ibang mga sektor para sa patuloy na pagpapaunlad ng bayan ng Limay. Kabilang dito ang mga sumusunod na aktibidad:
1. Courtesy call ni Atty. Abegail Chavez Bautista ng RTC Branch 94 at PAO Lawyer
2. Pagpupulong kasama ang Sangguniang Kabataan para sa mga programang may kinalaman sa mga kabataan sa bayan ng Limay
3. Pagbisita ng mga kabataang atleta na nagwagi bilang 2nd Place sa Futsal Tournament sa Orani
4. Pagpupulong hinggil sa paghahanda para sa nalalapit na Hataw Takbo sa Bayan ng Limay.
Patuloy ang pamahalaang bayan sa pagbibigay-suporta sa kabataan, palakasan, at iba pang inisyatibo na magdadala ng pagkakaisa at pag-unlad para sa lahat ng Limayeño.





















