Matagumpay na naisagawa ang Monthly Holy Mass kahapon, ika-6 ng Pebrero 2026, na ginanap sa Municipal Hall Lobby. Sama-sama tayong nag-alay ng panalangin at pasasalamat sa mga biyayang patuloy na ipinagkakaloob sa ating bayan.
Dinaluhan ang banal na misa nina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David, at ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Limay, bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pananampalataya sa paglilingkod sa bayan.
Kasabay rin nitong ipinagdiwang ang kaarawan ni Father Edilbert Pomer, Parish Priest ng bayan ng Limay. Taos-puso po naming ipinapaabot ang aming pagbati at pasasalamat sa kanyang walang sawang paggabay espiritwal sa ating komunidad.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa banal na pagdiriwang. Nawa’y patuloy tayong pagpalain at pag-isahin ng Poong Maykapal.

















