Isang hapon ng sigla, kasiyahan, at sportsmanship ang bumida sa ginanap na Basketball Exhibition Games 2025 noong Oktubre 11 sa Limay Sports Complex!
Puno ng sigawan at palakpakan ang buong venue habang nagtagisan ng galing sa court ang mga koponang:
Centennial Group 40+ Limay Basketball Association
Dream Team Sakuragi Kabataang Limayan Team
Main Event: GILAS LEGENDS Limay Selection Team
Napuno ng halakhakan at saya ang buong palaro dahil sa energetic at nakakaaliw na partisipasyon ng Team Sakuragi, na nagbigay ng kakaibang kulay at aliw sa bawat manonood!
Tampok din sa main event ang mga kilalang pangalan sa Philippine basketball — sina Ranidel De Ocampo, Yancy De Ocampo, Cyrus Baguio, Willie Miller, Jeff Chan, at Gary David kasama ang espesyal na pagdalo ni Cong. Jett Nisay!
Eto ay ginanap bilang promosyon ng healthy lifestyle, patunay na ang sports ay walang pinipiling edad at nananatiling daan tungo sa mas aktibo, mas masigla, at mas masayang komunidad!
Ang matagumpay na kaganapang ito ay handog ng Pamahalaang Bayan ng Limay, sa pangunguna nina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David, at ng mga Konsehal ng Bayan, bilang pasasalamat at handog kasiyahan sa lahat ng Limayeños.
Sa Limay, bawat laro ay larong may puso, saya, at pagkakaisa!












































