Kaligtasan ng mga mamamayan ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng ating pamunuan at hindi lingid sa ating kaalaman ang dagsa ng mga tao mula sa iba’t ibang bayan ang bumibisita sa Limay Park. Upang masigurado ang seguridad dito, sinimulan ang pagkakabit ng mga bagong cctv camera sa nasabing parke.
Inaasahan na mas marami pang mga cctv camera ang mailalagay sa buong bayan dahil kasabay ng patuloy na pag-unlad, hangad ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, SB Members at Tourism Chairperson Grace David ang kaayusan at kaligtasan ng buong nasasakupan.


