Isang mainit na pagbati sa Team Limay sa kanilang makasaysayang tagumpay sa ginanap na Inter-Town Basketball Tournament sa lalawigan ng Bataan! Patunay ito ng galing, disiplina, at pusong palaban ng ating mga manlalaro.
Sulit ang lahat ng pagod, sakripisyo, at hirap para makamit ang tagumpay na ito. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa lahat ng kabataang nangangarap makamit ang kanilang mga pangarap sa larangan ng basketball na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at determinasyon, walang imposibleng maabot. Ang inyong tagumpay ay tagumpay ng buong bayan ng Limay. Sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David at buong SB Members, buong puso po ang suporta ng ating pamunuan sa pag-papaunlad ng larangan ng palakasan sa ating bayan.
Mabuhay kayo Limay Basketball Team, 2025 Bataan Inter-town Champion!




















