𝗢𝗔𝗧𝗛-𝗧𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗗 𝗧𝗨𝗥𝗡𝗢𝗩𝗘𝗥 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬

𝗝𝗨𝗡𝗘 𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟱

Isang makasaysayang araw ng pagkilala at panibagong paninindigan para sa mga lingkod-bayan ng Bataan! Sa ginanap na Oathtaking Ceremony sa People’s Center, Balanga City, sa pangunguna ni Governor Joet S. Garcia ay sabay-sabay na nanumpa ang mga bagong halal na opisyal mula sa iba’t ibang munisipalidad ng lalawigan. Isang kaganapang nagpapakita ng pag-kakaisa, panibagong pananagutan, at iisang layunin upang makapag dulot ng makabuluhang pagbabago para sa buong lalawigan ng Bataan.

Samantala, kasunod ring ginaganap ang Oath-taking and Turnover Ceremony ng mga bagong halal na lokal na opisyal ng Bayan ng Limay sa Limay Municipal Hall Lobby na pinangunahan ni 𝗝𝘂𝗱𝗴𝗲 𝗘𝗺𝗮𝗻𝘂𝗲𝗹 𝗦𝗶𝗹𝘃𝗮. Sa muling pagtitiwala ng taumbayan kay 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗶𝗰𝗵𝗶𝗲 𝗝𝗮𝘀𝗼𝗻 𝗗𝗮𝘃𝗶𝗱, kasama ang ating bagong 𝗩𝗶𝗰𝗲-𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗚𝗿𝗮𝗰𝗲 𝗗𝗮𝘃𝗶𝗱, at ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan, 𝗛𝗼𝗻. 𝗦𝗮𝗿𝗮𝗵 𝗩. 𝗗𝗮𝘃𝗶𝗱, 𝗛𝗼𝗻. 𝗖𝗲𝗰𝗶𝗹 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗿𝗱 𝗖. 𝗥𝗼𝘅𝗮𝘀, 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗲𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗼 𝗣. 𝗥𝗲𝘆𝗲𝘀, 𝗛𝗼𝗻. 𝗗𝗲𝗻𝗻𝗶𝘀 𝗥. 𝗚𝗼𝗰𝗵𝘂𝗶𝗰𝗼, 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗲𝗺𝗶𝗴𝗶𝗼 𝗦. 𝗧𝗮𝘆𝗮𝗴,𝗝𝗿., 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗼𝗿𝘆 𝗥. 𝗣𝗲𝗿𝗲𝘇, 𝗛𝗼𝗻. 𝗠𝗮𝗻𝗻𝘆 𝗣. 𝗔𝗺𝗯𝗿𝗼𝗰𝗶𝗼, at 𝗛𝗼𝗻. 𝗖𝗲𝘀𝗮𝗿 “𝗔𝗺𝗮” 𝗗𝗲𝗹𝗮 𝗥𝗲𝗮, asahan po ninyo ang isang pamahalaang mas bukas, makatao, at nakatuon sa tunay na pag-unlad ng buong bayan ng Limay.

Nagbigay naman ng isang makabuluhang mensahe si outgoing SB Member na si 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹 𝗠𝗲𝗹𝗰𝗵𝗼𝗿 𝗟. 𝗙𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗼 at outgoing 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹 𝗔𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱𝗼 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘃𝗶𝗿𝗮𝘆. Ang buong pamunuan ng bayan ng Limay ay nagpapasalamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at pakikiisa sa layunin ng lokal na pamahalaan at nagsilbing matibay na pundasyon ng ating mga tagumpay bilang isang komunidad.

Ang selebrasyon na ito ay simula ng isang panibagong kabanata ng serbisyong may puso, lideratong may direksyon, at pamahalaang tapat na serbisyo at diretso sa tao.

Leave your message