𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Ang ating mahal na Mayor Richie Jason D David ay nagkaroon ng napakahalagang ugnayan sa iniative ng ating Governor Joet Garcia upang mailunsad ang pagpasok ng ating bayan ng Limay sa Performance Governance System (PGS) na hangad ay maging mas maayos, mabilis at tutugon sa tuloy-tuloy na kaunlaran ng ating bayan. Isang makabuluhang serbisyo publiko na may udyok ng pagmamahal sa ating mamamayan ng Limay na walang itatangi.

PAGLILINGKOD MULA SA PUSO PARA SA LAHAT❤️

Sa tulong ng PGS shared governance principles and assessment tools, ang lahat ng kawani sa bawat departamento ay huhubugin upang maging responsible and empowered sa kanilang trabaho para maisakatuparan ang kani-kanilang vision at mission statements na naka-align naman sa Limay Vision statement. PGS is about effectively sharing governance responsibility aiming for positive outcome impact.

Hangad ng ating Mayor Richie at Gov Joet Garcia na maging maligaya, maayos at maginhawa ang buhay ng bawat pamilya sa ating bayan at sa buong probinsya ng Bataan.

Salamat po Ma’am Myrna Roman, CoB-Capitol PGS Focal Person at kay Ma’am Apple Tomas sa ginawa nilang City of Balanga PGS Journey presentation Feb 4, 2025 sa LGU Limay PGS TWG Members.

Salamat po Mayor Richie! Salamat Gov Joet!

God bless 1Limay 1Bataan☝️

Recent Posts

Hot

Leave your message