Isang makasaysayang araw para sa mga lingkod-bayan ng Bataan! Ngayong Agosto 8, 2025, nagtipon-tipon ang mga konsehal mula sa iba’t ibang bayan sa Bataan Tourism Pavilion para ihalal ang bagong hanay ng mga opisyal ng Philippine Councilors League – Bataan Chapter.
Dumalo sa pagtitipon at nagbigay-pugay sa kaganapan sina PCL National Vice Chairman Atty. Benjamin Abalos III bilang pangunahing tagapagsalita, Gov. Joet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, PCL Bataan Interim President Hon. Jovy Banzon, at ang mga kinatawan ng PCL COMELEC. Kasama rin sa mga panauhin sina Rep. Jernie Jett Nisay ng Pusong Pinoy Partylist, First District Rep. Tony Roman, Chief of Staff Rollie Rojas, ilang mga alkalde, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan mula sa iba’t ibang bayan.
Mula sa Bayan ng Limay, buong suporta ang ipinakita nina Mayor Richie Jason David at Vice Mayor Grace David, kasama ang ating mga Sangguniang Bayan Members na sina: Konsehala Sarah David, Konsehal Cecil Roxas, Konsehal Bart Reyes, Konsehal Dennis Gochuico bilang Board Member na kakatawan sa bayan ng Limay, Konsehala Rory Roque Perez, Konsehal Newr Tayag, Konsehal Manny Ambrocio, Konsehal Cesar Dela Rea, ABC Teresita Dela Rea at SK Fed. President AJ Joaquin.
𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗛𝗜𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟:
President: Hon. Jovy Banzon
Vice President: Hon. Marino Caguimbal
Secretary-General: Hon. Noli Soriano
Treasurer: Hon. Concepcion Santos
Auditor: Hon. Angelito Narciso
P.R.O.: Hon. Jose Gener Pascual
Business Manager: Hon. Angelito Rubia
𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗙𝗘𝗗𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥𝗦:
1. Hon. Reno Gatdula
2. Hon. John Harry Carreon
3. Hon. Marjun Bantay
4. Hon. Armando Buniag
5. Hon. Dennis Gochuico
6. Hon. Katherine Maglaque
7. Hon. Roy Samson
8. Hon. Christian Laurence Manalaysay
Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng bagong halal! Sa inyong pamumuno, nawa’y lalo pang mapagtibay ang pagkakaisa at mas mailapit ang makabuluhang programa sa ating buong lalawigan ng Bataan.





















