Sa pangunguna ni Vice Mayor Grace David kasama ang LGBTQIA+ President Jeffrey Reyes at mga opisyales nito, isinagawa kahapon, araw ng Lunes ang pormal na panunumpa ng mga bagong LGBTQIA+ officers ng Limay.
Patunay ito sa pagkilala sa mahalagang papel ng LGBTQIA+ sa ating komunidad upang magkaroon ng isang bukas, pantay at makatarungang pamayanan. Ang mga bagong opisyal ay manunungkulan bilang kinatawan ng sektor na matagal nang lumalaban para sa pagkakapantay-pantay, dignidad, at karapatang pantao. Magiging katuwang sila sa pagbuo ng mga programang tutugon sa diskriminasyon at iba pang isyung kanilang kinakaharap.
Ang paghahatid ng isang epektibo at serbisyong may puso ay hindi lamang nasusukat sa kasarian, kundi sa malasakit, katapatan, at kahandaang tumulong para sa kapwa.
Mabuhay ang mga bagong LGBT officers ng Limay! Isang patunay ito na sa Limay ay may puwang ang lahat— anuman ang kanilang kasarian o pagkakakilanlan.












