Isa ang Tikip Falls sa mga pangunahing atraksyon sa bayan ng Limay kaya isa sa naging programa ng ating pamunuan ang pagtatayo ng mga public restrooms dito. Tayo ay naniniwala na ito ay malaking tulong para sa mga taong namamasyal sa lugar na ito dahil ito ay mag dudulot ng malaking ginhawa para sa ating mga bisita.
Ito rin ay nag susulong ng benepisyo sa kalusugan pampubliko upang masigurado ang kaligtasan at maiwasan ang mga sakit ng bawat isa. Ito ay naglalayon rin ng pagpapanatili ng kalinisan upang patuloy pang mapakinabangan ang lugar sa mga susunod pang henerasyon. Nakatakda ring magtayo ng mga pampublikong palikuran na ito sa waiting shed area na malapit sa McDonaldโs Limay.
Sama-sama po tayong mag-tulungan sa mas ikakaunlad at ikasasaayos ng ating komunidad sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, SB Members at Tourism Chairperson Grace David.


