Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, buong puso kinilala at pinarangalan ang ating mga beterano at mga tunay na haligi ng tapang at dangal ng bayan. Sa Bataan at sa iba pang bahagi ng bansa, ipinakita nila ang tunay na diwa ng tapang, sakripisyo, at pagmamahal para sa bayan.
Ipinamalas ng bawat bayan sa lalawigan ng Bataan ang kanilang husay at galing sa pamamagitan ng kanilang mga Float Parade, Wall Sculpture, at mga lumang litrato na may kaugnayan sa ating kasaysayan.
Ang makulay, malikhain, at makasaysayang mga obra ay hindi lamang naging bahagi ng selebrasyon, kundi ito rin ay naging tagapagdala ng mensahe ng pagkakaisa, kabayanihan, at pagmamahal sa bayan.
Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ni Mayor Richie Jason David kasama ang kanyang may bahay at Tourism Chairperson Grace David. Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng mensahe ni Hon. Albert Garcia bilang kinatawan ng ikalawang distrito, at ito ay sinundan ni Governor Joet Garcia III. Dumalo rin sa okasyon si Hon. Romano Del Rosario ng Lupon ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan at si Eric Zerrudo, PhD., na siyang nagbigay ng pangunahing talumpati. Ibaโt ibang mga beterano rin ang nakilahok at nagbigay ng kanilang presensya sa aktibidad bilang pakikiisa sa pagdiriwang.














































