Isang Bagong Pag-asa para sa kalusugan ng bawat mamamayan ng Limay! Pinalawak at pinalaking mga kuwarto ng Dialysis Center at 15 na dialysis machines ang idinagdag para dito,isang handog ng tapat at malasakit na serbisyo mula kay Mayor Richie David, Vice Mayor Sarah David, Tourism Chairperson Grace David at SB Member katuwang ang buong pamunuan ng bayan ng Limay. Ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng ating lokal na pamahalaan na bigyang halaga ang kalusugan at kagalingan ng bawat mamamayan.
Sa bagong pasilidad na ito, mas marami nang kababayan natin ang matutulungan at mapaglilingkuran nang mas maayos, mas mabilis, at mas komportable.
“Sa Limay, ang serbisyo publiko ay tunay na para sa tao”