Bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na droga at sa pagtutulungan ng Philippine National Police at lokal na pamahalaan, isinagawa ngayong Hulyo 28, 2025 ang random drug testing sa lahat ng kawani ng Pamahalaang Bayan ng Limay.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng programa ni PBGEN Ponce Rogelio Ibasco Peñones Jr., RD, PRO3, at sa pangangasiwa ni PCOL Marites A. Salvadora, Provincial Director ng Bataan PPO. Nanguna sa pagbibigay ng police assistance ang Limay MPS sa pangunguna ni PMAJ Jimmy Albert A. Decin, COP.
Upang maipakita ang kanilang suporta at pagiging bukas sa pagsusuri, sumailalim din sa drug testing sina Mayor Richie Jason D. David, Vice Mayor Grace David, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Limay. Layon ng aktibidad na masiguro ang isang Drug-Free Workplace at ipamalas ang transparency sa pamahalaan.
Kasama ring tumestigo at lumahok sa aktibidad na ito sina PCOL Marites A. Salvadora – Provincial Director, Bataan, PNP IA V John Jerme T. Almerino – Chief, Provincial Office, PDEA, PLTCOL Roldan Gallano – Chief, Provincial Intelligence Unit, PLTCOL Elias Tait – Force Commander, 2nd PMFC, PCPT Ian Vinluan – Chief, Police Provincial Drug Enforcement Unit.
Ang programang ito ay patunay ng seryosong hangarin ng bayan ng Limay na maging huwaran sa kampanya laban sa ilegal na droga.




























