Isang lupa ang nilaan ni dating Mayor Nelson C. David sa Barangay Duale upang tayuan ng St. Daniel Comboni Parish Church and Convent. Ang itatayong simbahan ay hindi lamang para sa mga misa kung hindi ito rin ay magiging tahanan ng mga outreach programs, tulong para sa mga kapos palad at sentro ng mga aktibidad na magpapatibay sa ating samahan bilang isang komunidad.
Si St. Daniel Comboni ay kilala sa kanyang malasakit sa mga mahihirap at misyon para sa Africa at sila ni dating Mayor Nelson C. David ay mayroong iisang hangarin. Ito ay hindi lamang gagawin para sa isang papuri kung hindi bilang isang alay sa Diyos at sa mga mamamayan dahil tayo ay naniniwala na ang isang lider na may takot sa Diyos ay mas may malasakit sa mga tao.
Atin pong abangan ang nalalapit na pagtatayo ng nasabing simbahan.







