𝗦𝗼𝗹𝗮𝗿 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗲𝘁 𝗟𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 𝘀𝗮 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗻𝗴 𝗕𝗹𝗶𝘀𝘀 𝗮𝘁 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮 𝗟𝗲𝗼𝗻𝗼𝗿

Sa tuloy-tuloy ng paghahatid ng serbisyo para sa mga mamamayan ng Limay, mga solar street lights ang isa mga pangunahing proyekto ng pamunuan. Mga solar street lights para sa lugar ng Bliss at Villa Leonor ang mga naikabit at asahan po natin na mas marami pang ilaw ang mailalagay sa nasabing lugar.

Ang solar street lights ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng ilaw sa kalsada gamit ang enerhiyang mula sa araw, kaya ito ay isang matipid, eco-friendly, at sustainable na solusyon sa pag-iilaw sa mga lansangan. Ito rin at nagbibigay liwanag kahit na ito ay walang suplay ng kuryente.

Sama-sama po nating ipagpatuloy ang nasimulan ng ating Lokal na Pamahalaan at sa pagpapatuloy ng progreso at kaunlaran ng ating komunidad.

Leave your message