Sinimulan ng kabitan ng mga solar panels ang Limay Elementary School at SF II Elementary School sa bayan ng Limay. Ito ay proyektong isinulong ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, Sangguniang Bayan Members at Tourism Chairperson Grace David.
Layunin ng programa na ito na pababain ang konsumo ng kuryente ng bawat eskwelahan dahil ito ay nakatakdang kabitan ng mga aircondition unit. Ang mga paaralan ay maaaring makinabang nang malaki mula sa mga solar panels sa pamamagitan ng pagtitipid sa gastos, at pagpapanatili ng kapaligiran.
Edukasyon ang isa sa mga proyektong prayoridad ng ating lokal na pamahalaan at kayo po ay makakaasa na ito ay patuloy naming tututukan para sa ikagaganda at ika-aangat ng kaledad ng edukasyon sa ating bayan.





