Ang Pamahalaang Bayan ng Limay sa pangunguna ni Hon. Richie Jason D. David, Sangguniang Bayan members, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Section, Persons with Disability Affairs Office, Limay Federation of PWDs, at Local Council for the Protection of Children, ay nakiisa sa pagdiriwang ng National Autism Consciousness Week. Alinsunod sa ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ก๐ผ. ๐ณ๐ญ๐ญ, ๐. ๐ผ๐ณ ๐ญ๐ต๐ต๐ฒ, ang ikatlong linggo ng Enero ng kada taon ay inilalaan sa paggunita ng ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐๐๐ถ๐๐บ ๐๐ผ๐ป๐๐ฐ๐ถ๐ผ๐๐๐ป๐ฒ๐๐ ๐ช๐ฒ๐ฒ๐ธ, sa paglalayong palaganapin ang kamalayan, pag-unawa, at pagtanggap sa mga indibidwal na may autismo. Ngayong taon, ito ay may temang โPag-angat ng mga Lider Para sa Pagsulong ng Lipunang Walang Naiiwanโ.
Ang aktibidad ay sinimulan sa pagkakaroon ng pagbibigay kaalaman tungkol sa Autism na pinangunahan ni Maโam Charito D. Santos, Special Needs Education Teacher. Kasabay nito ay ang pagpapadaloy ng coloring activity para sa dalawampu’t limang (25) batang mag-aaral ng SPED mula sa Limay Elementary School.
Layunin ng programang ito na mas mapalawak pa ang kamalayan sa autism, makahikayat ng karagdagang suporta para sa mga indibidwal na may autism, at hikayatin ang lahat na maging mas inklusibo ang bayan ng Limay.










