26th Commencement Exercise LPC

To the Limay Polytechnic College family, mga guro, staff, magulang, at syempre, ang bida ng araw, ang ating mga graduates! Congratulations po sa inyo!

It’s an honor to be part of the graduation, not just a guest but also as someone who holds this school close to my heart dahil po ang founder ng LPC ay aking father-in-law na si Mayor Nelson C. David, and though I’m not a graduate of this school, I’ve witnessed how much passion and dedication was poured into it mula sa simula hanggang ngayon.

At masasabi ko po na sa pagpapatuloy po ni Mayor Richie David, patuloy ang pag-unlad ng Limay Polytechnic College. Hindi po natatapos ang mission ng paaralang ito sa inyong graduation. In fact, habang kayo’y nagtapos, ang paaralan naman ay patuloy na nagdadagdag ng mga bagong kurso, modernong learning tools, at mas magagandang pasilidad para sa mga susunod na batches. Tuloy-tuloy ang improvement, kasi tuloy-tuloy din ang pangarap ng ating komunidad.

Graduates, it is your day pero hindi ito ending. This is just the start of your real journey. Yes, the real world can be tough. Pero kung kinaya niyo ang thesis, online classes, early and late classes, kaya niyo rin ang hamon ng buhay.

Please remember, ang diploma ay hindi lang papel, it’s a symbol of your growth. Gamitin ninyo ito hindi lang para umasenso, kundi para makatulong. Hindi lang kayo produkto ng paaralang ito, kayo rin ang magiging dahilan ng pag-unlad ng bayan natin.

To my father in law, Mayor Nelson C. David, salamat po sa vision ninyong magsimula ng paaralang may puso. Sa lahat ng staff ng LPC, salamat sa inyong serbisyo. And to the graduates, saludo ako sa inyo. Go and make us proud. Congratulations, Batch 2025, Mabuhay kayo at mabuhay ang Limay Polytechnic College! 👨‍🎓👩‍🎓

Leave your message