Ikinagagalak naming batiin ang buong koponan ng Limay Polytechnic College (LPC), sa pangunguna ni Dr. Elmer de Leon, sa kanilang kahanga-hangang tagumpay. Ang inyong dedikasyon, sipag, at hindi matitinag na pagsusumikap ay nagbigay daan sa pagkilala ng LPC sa World University Ranking for Innovation (WURI). Talaga namang kapuri-puri ang inyong galing at commitment sa pagpapalago ng kolehiyo.
Isang taos-pusong pasasalamat din kay Mayor Nelson C. David, ang nagtatag ng LPC, na naglatag ng pundasyon at nagbigay buhay sa pangarap na ito. Patuloy ang suporta ni Mayor Richie David, Vice Mayor Sarah David, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pagpapalago ng kolehiyo.
Kamiโy labis na nagpapasalamat sa bawat isa sa inyoโmga guro, mag-aaral, at mga kawaniโna nagbigay ng kanilang makulay na kontribusyon para sa tagumpay na ito. Ang inyong liderato, pagkakaisa, at malasakit ay isang tunay na inspirasyon para sa lahat. Congratulations sa inyong lahat at patuloy na tagumpay!

