2025 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐮𝐭𝐢𝐬𝐦 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐜𝐢𝐨𝐮𝐬𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐖𝐞𝐞𝐤 Celebration

Ang Pamahalaang Bayan ng Limay sa pangunguna ni Hon. Richie Jason D. David, Sangguniang Bayan members, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Section, Persons with Disability Affairs Office, Limay Federation of PWDs, at Local Council for the Protection of Children, ay nakiisa sa pagdiriwang ng National Autism Consciousness Week. Alinsunod sa 𝗣𝗿𝗼𝗰𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗡𝗼. 𝟳𝟭𝟭, 𝘀. 𝗼𝗳 𝟭𝟵𝟵𝟲, ang ikatlong linggo ng Enero ng kada taon ay inilalaan sa paggunita ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝘂𝘁𝗶𝘀𝗺 𝗖𝗼𝗻𝘀𝗰𝗶𝗼𝘂𝘀𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗪𝗲𝗲𝗸, sa paglalayong palaganapin ang kamalayan, pag-unawa, at pagtanggap sa mga indibidwal na may autismo. Ngayong taon, ito ay may temang “Pag-angat ng mga Lider Para sa Pagsulong ng Lipunang Walang Naiiwan”.

Ang aktibidad ay sinimulan sa pagkakaroon ng pagbibigay kaalaman tungkol sa Autism na pinangunahan ni Ma’am Charito D. Santos, Special Needs Education Teacher. Kasabay nito ay ang pagpapadaloy ng coloring activity para sa dalawampu’t limang (25) batang mag-aaral ng SPED mula sa Limay Elementary School.

Layunin ng programang ito na mas mapalawak pa ang kamalayan sa autism, makahikayat ng karagdagang suporta para sa mga indibidwal na may autism, at hikayatin ang lahat na maging mas inklusibo ang bayan ng Limay.

Leave your message