Napakahalaga ng mga hakbang na ito ng Lokal na Pamahalaan ng Limay upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa, lalo na sa mga motorista at pedestrian. Ang mga warning signs,traffic signs at speed limit ay hindi lamang nagsisilbing gabay kundi pati na rin proteksyon laban sa mga aksidente. Ang pagsunod sa mga ito ay isang simpleng hakbang na makakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga kalsada.
Ang pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David, SB Members,Tourism Chairperson Grace David, at ng iba pang mga lokal na lider ay isang patunay ng kanilang malasakit at dedikasyon sa kaligtasan ng komunidad. Ang kanilang slogan na Tapat na Serbisyo, Diretso sa Tao ay hindi lamang mga salita, kundi isang komitment sa pagtulong at pagpapabuti ng kaligtasan at kapakanan ng bawat isa sa Limay.



