𝙆𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙆𝙪𝙨𝙞𝙣𝙖: 𝙇𝙪𝙩𝙤 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙚ñ𝙤 𝘾𝙤𝙤𝙠𝙞𝙣𝙜 𝘾𝙤𝙣𝙩𝙚𝙨𝙩 2025

Sa idinaos na Food Month Celebration ngayong April 25, 2025, Isang taos-pusong pagbati sa 𝙎𝙩. 𝙁𝙧𝙖𝙣𝙘𝙞𝙨 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙃𝙞𝙜𝙝 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡 sa pagkakapanalo sa 𝙆𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙆𝙪𝙨𝙞𝙣𝙖: 𝙇𝙪𝙩𝙤 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙚ñ𝙤 𝘾𝙤𝙤𝙠𝙞𝙣𝙜 𝘾𝙤𝙣𝙩𝙚𝙨𝙩 2025, na inorganisa ng Bataan Provincial Tourism Office!

Sa tulong at suporta ng Limay Tourism Office, ang tagumpay na ito ay kanilang nakamit sa pamumuno ni 𝙂𝙣𝙜. 𝙎𝙪𝙣𝙨𝙝𝙞𝙣𝙚 𝙅𝙤𝙮 𝙏. 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙞𝙨𝙞𝙢𝙖 at mag-aaral na si 𝘾𝙝𝙚𝙣𝙭𝙮 𝙊𝙗𝙚𝙟𝙖𝙨. Ito ay isang patunay ng inyong kahusayan, pagkamalikhain, at pagmamalasakit sa kulturang Pilipino. Sa temang “Food as Culture: The Role of Gastronomy in Filipino Identity,” matagumpay ninyong naipakita ang yaman ng pagkaing Bataeño bilang mahalagang bahagi ng ating pambansang pagkakakilanlan.

Hindi lamang kayo nagluto ng masarap na pagkain kundi kayo rin ay naghain ng kuwento, kasaysayan, at pagmamalaki sa ating sariling kultura. Tunay kayong huwaran ng kabataang may puso para sa sining, tradisyon, at bayan.

Mabuhay ka, Chenxy! Mabuhay ka, Gng. Santisima! At mabuhay ang buong St. Francis National High School! Nawa’y lalo pa kayong magtagumpay at magsilbing inspirasyon sa marami.

Muli, isang maalab na pagbati sa inyong karangalan!

Leave your message