𝗣𝗘𝗥𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 (𝗣𝗚𝗦) 𝗢𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆

Ngayong Hunyo 11, 2025 ika-10 ng umaga sa Municipal Mayor’s Office ay pinangunahan ng ating mahal na Mayor Richie Jason D. David at sa buong suporta ni Governor Joet Garcia ay opisyal nang inilunsad sa ating Pamahalaang Bayan ng Limay ang PGS na nakapaloob sa Memorandum of Agreement (MOA). Ang nasabing kasunduan ay pinirmahan nina ISA CEO – Mr. Evaristo S. Francisco, Jr. at Mayor Richie Jason D. David, na sinaksihan nina Governor Jose Enrique ‘’Joet’’ Garcia III, ISA Program Management Unit Head – Maria Jose Guadalupe R. Luisito, at HRMO and MSWD Section Head – Ms. Faye Fernando.

Ang Performance Governance System (PGS) ay isang sistema na magbibigay sa lahat ng ating mga kawani ng kakayahan at kaalaman na magawa ang kani-kanilang takdang tungkulin na ang tanging inspirasyon ay makapaglingkod “mula sa puso” sa ating mga kababayan sa mabilis, angkop at epektibong pamamaraan. Hangad din sa proseso ng PGS ang pagsasaayos ng mga sistema, pamamaraan at polisiya na magiging gabay, pamantayan at sukatan sa kaayusan ng serbisyo ng bawat kawani, departamento, at sa tamang paggamit ng pera mula sa kaban ng bayan na siguradong tutugon sa pangunahing pangailangan ng ating mamamayan. Isang paglilingkod na walang itinatangi at walang maiiwanan.

Dumalo at naki-isa sa makasaysayang kaganapan na ito ang ating Vice Mayor-Elect Grace David, Konsehal Dennis Gochuico, Konsehal Bart Reyes, mga Department Heads, miyembro ng ibat-ibang Sectoral groups sa Limay at mga kinatawan mula sa pamunuan ng lalawigan ng Bataan sa pangunguna ni Ma’am Myrna Roman ang PGS Focal Person ng City of Balanga at ng Probinsya ng Bataan.

Ang historical event na ito ay pinangasiwaan ng ating LGU Limay PGS Focal Person Konsehal Manny Ambrocio.

Salamat sa Diyos

Leave your message