Bilang paggunita sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, isinagawa ngayong araw ang Ceremonial Wreath Laying bilang pagpupugay sa mga bayaning nag-alay ng buhay para sa ating kasarinlan.
Ang wreath laying o pag-aalay ng korona ng bulaklak ay isang makasaysayang seremonyang ginagawa bilang simbolo ng paggalang, paggunita, at pasasalamat sa mga taong nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan.
Dumalo sa makabuluhang pagdiriwang na ito sina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Elect-Grace David, Konsehal Newr Tayag, Konsehal Cecil Roxas, SK Federation, mga kinatawan mula sa BFP, PNP, Department Heads, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Limay na sama-samang nagbigay ng respeto at pasasalamat sa mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating bayan.
Hindi malilimutan ang kanilang kabayanihan at ito ang tunay na pundasyon ng ating kasalukuyang kalayaan









