Inaabisuhan ang publiko na sa pagkuha ng 𝙏𝙖𝙭 𝘿𝙚𝙘𝙡𝙖𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣, 𝘾𝙚𝙧𝙩𝙞𝙛𝙞𝙘𝙖𝙩𝙚 𝙤𝙛 𝙉𝙤 𝙄𝙢𝙥𝙧𝙤𝙫𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩 / 𝙒𝙞𝙩𝙝 𝙄𝙢𝙥𝙧𝙤𝙫𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩, 𝙖𝙩 𝙍𝙚𝙖𝙡 𝙋𝙧𝙤𝙥𝙚𝙧𝙩𝙮 𝙏𝙖𝙭 𝙊𝙧𝙙𝙚𝙧 𝙤𝙛 𝙋𝙖𝙮𝙢𝙚𝙣𝙩, kinakailangan pong magsumite ng mga sumusunod na dokumento para sa pagproseso:
Kung ang humihingi ay 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙖𝙧𝙞-𝙖𝙧𝙞𝙖𝙣:
• Authorization Letter mula sa may-ari ng property o Special Power of Attorney (SPA)
• Photocopy ng valid I.D. ng may-ari ng property at ng humihingi Kung ang nakapangalan sa property ay 𝙔𝙐𝙈𝘼𝙊 𝙣𝙖:
• Kopya ng Extrajudicial Settlement of Estate mula sa mga tagapagmana
Kung ang property ay 𝙆𝘼𝘽𝙄𝘽𝙄𝙇𝙄 pa lamang at ang titulo ay nasa PROSESO pa ng paglilipat:
• Notarized Deed of Sale o Special Power of Attorney (SPA)
• Photocopy ng valid I.D. ng dating may-ari
Mahigpit pong ipinatutupad ang mga patakarang ito upang matiyak ang maayos, mabilis, at tamang proseso ng mga transaksyon sa aming tanggapan.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at kooperasyon.
Office of the Municipal Assessor
