𝗣𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴𝗶𝘀𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝟯𝟬 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗳𝗼𝗹𝗸𝘀 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗺𝗮𝘆

Sa patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Bayan ng Limay sa pangunguna ni Mayor Richie David, Vice Mayor Elect-Grace David, Vice Mayor Sarah David at SB Members, katuwang ang Municipal Agriculture Office, Department of Agriculture at BFAR, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mangingisdang patuloy na nagsusumikap para sa ikabubuti ng kanilang pamilya at ng ating komunidad.

Ang pamamahagi ng mga kagamitang pangisda sa 30 registered fisherfolks ay bahagi ng ating adbokasiya na paunlarin ang kabuhayan sa sektor ng pangisdaan. Hinihikayat naming gamitin ito nang wasto at maayos upang higit pang mapalakas ang inyong hanapbuhay.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ito na patuloy tayong magkaisa para sa mas masaganang Limay, kung saan ang bawat mamamayan ay may pantay na pagkakataong umasenso.

Leave your message