𝗣𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻!

Isinagawa ngayong June 25, 2025 ang isang makabuluhang Tree Planting Activity sa Sitio Kinaragan, Brgy. Duale, Limay, Bataan bilang bahagi ng PagbaBAGo: A Million Learners and Trees Campaign ng Office of the Vice President.

Sa pagtutulungan ng OVP, CENRO Pilar, PENRO Bataan, at ng LGU Limay, layunin ng aktibidad na makapagtanim ng 3,000 punla bilang ambag sa pangangalaga sa kalikasan at patuloy na edukasyon ukol sa kahalagahan ng mga puno sa ating kapaligiran.

Ang pamahalaang bayan ng Limay ay lubos na nagpapasalamat sa OVP sa pagkilala at pagtitiwala na maisama ang aming bayan sa ganitong makabuluhang kampanya. Sama-sama tayong nagtatanim ng pag-asa, para sa isang mas luntiang kinabukasan.

Leave your message