𝐋𝐏𝐂 𝐒𝐏𝐄𝐒 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐑𝐈𝐄𝐒

Ginanap kahapon, ika-7 ng Hulyo 2025 ang unang araw ng trabaho ng 150 SPES beneficiaries na estudyante mula sa Limay Polytechnic College (LPC) sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES).

Sa pangunguna ni PESO Manager Evangeline C. Mariano, ipinaliwanag sa mga mag-aaral ang mga alituntunin at regulasyon na dapat sundin sa kanilang panahon ng pagtatrabaho. Nagbigay naman ng inspirasyon at motibasyon sa mga kabataan ang ating butihing Pangalawang Alkalde, Kgg. Grace R. David, at ang mahal nating Punong Bayan, Kgg. Richie Jason D. David.

Ang mga SPES beneficiaries ay naitalaga sa iba’t ibang departamento sa munisipyo, pati na rin sa mga barangay at pampublikong paaralan. Sila ay magseserbisyo ng kabuuang 180 oras o 20 araw, at makatatanggap ng sahod mula sa Local Government Unit (LGU) Limay at sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang sahod na kanilang matatanggap ay malaking tulong bilang pandagdag sa kanilang allowance sa pag-aaral, na makatutulong upang maipagpatuloy nila ang kanilang edukasyon nang mas magaan para sa kanilang pamilya.

Kami po ay taos -pusong nagpapasalamat sa ating butihing Mayor Richie Jason D. David, Vice Mayor Grace R. David, sa buong Sangguniang Bayan, at sa PESO Limay sa walang sawang suporta at pagbibigay ng makabuluhang oportunidad sa mga kabataang Limayans. Isa itong malaking hakbang patungo sa kanilang personal na pag-unlad at tagumpay sa hinaharap.

Leave your message