Bilang tugon sa naging epekto ng nagdaang kalamidad na bagyong Crising noong nakaraang taon 2024, isinagawa ang pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga kwalipikadong pamilyang naapektuhan sa iba’t ibang barangay ng Bayan ng Limay.
Ang programang ito ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at Pamahalaang Bayan ng Limay sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David at SB Members bilang bahagi ng agarang pagtugon at suporta sa mga kababayang nangangailangan.
Layunin ng ECT na pansamantalang matulungan ang mga pamilyang nawalan ng kabuhayan o matinding naapektuhan ng kalamidad, upang magamit nila ito sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, gamot, at iba pang gamit sa tahanan.
Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong pinansyal na kanilang natanggap. Isa lamang ito sa mga konkretong hakbang ng ating pamahalaan upang masigurong walang maiiwan sa panahon ng krisis.
























